July 23, 2012- Nakakalungkot na araw 'to kahit nasa bahay lang naman ako buong araw. Siguro dahil sa panaginip ko. Mga pamilyar na tao yung mga kasama ko doon. Yun nga lang, pakiramdam ko nag-iisa padin ako. Tandang tanda ko lahat ng pangyayari sa panaginip ko- detalyado; yung maalikabok at matarik na kalsada na tinakbo ko, yung mabilis nilang paglakad habang ako nahuhuli at humahabol sa kanila, yung abandonadong bahay na pinagtaguan ko para umiyak, lalong lalo na yung sinabi nilang "Sino ka ba? Kilala ka ba namin?" Masakit kahit panaginip lang. Ganoon din kasi ang nararamdaman ko kahit gising ako. Bawat araw na lumilipas parang tinatanong nila ako ng sino ako at kung kilala ba nila ako. Oo kilala nyo ako. Kaibigan nyo ako. Kaibigan...
Kaibigan pa 'din ba ako? Kailangan pa 'din ba nila ako? Kasalanan ko din. May mga pagkukulang kasi ako. Sa dami kasi ng mga dapat kong gawin hindi ko na alam kung sino at ano ang uunahin. May ama ako na gustong magsubsob ako sa pag-aaral kahit graduate na ako ng college, "Magreview ka ng gan'to. Mag-exam ka ng ganyan. Mag-aral ka noon." Nagseserve ako sa simbahan na kinalakihan ko na. Mahirap iwan e. Lalo na yon ang may malaking porsyento ng impluwensya sa buong pagkatao ko. May sarili akong problema na kinahaharap. Alam nyo na, sakitin. Haay. Kung kaya ko lang ibalik yung nakalipas, ginawa ko na. Di ko namang gustong umabsent sa mga pagkakataong iyon. Kung pwede lang akong mag-multiply at puntahan ang lahat ng dapat kong puntahan. Minsan gusto kong tanungin ang bestfriend ko kung galit ba sya sa akin. Dahil sobrang lapit na nga lang bahay namin sa isa't isa, hirap pa kaming makapag-bonding at makapagkita. Madalang makapagtext, at makapag-chat. Minsan dumadating sa punto na may iba na syang nakakasama at nakakapalagayan ng loob. Yun bang parang bestfriend nya na din. Pero paglubog ng araw, nakakatuwang isipin na sasabihin nya sayong "Madami man akong nakakasalamuha, hindi man tayo madalas magkasama, forever best friends tayo." Forever. Sana lahat ng mga kaibigan ko forever nadin. Di bale ng madagdagan wag lang mababawasan. Sana. Hinihiling ko palang pero isinasampal na sa akin ang katotohanan na hindi yon mangyayari. Gusto ko lang naman malaman, kaibigan pa 'din ba ako?
No comments:
Post a Comment