Nasa apat na beses kaming nagkasabay sa tren. Ang galing nga e! Do'n mismo sa car kung saan ako napapasakay. Doon ako nag-umpisang maniwala sa destiny. Pero pagkatapos ng apat na beses, di na kami nagkasabay. Haay. Di ko man lang nalaman pangalan nya. Imposible nadin sigurong magkasabay kami ulit.
March 2011 may nag-add sa akin sa Facebook. JF Bergado? Di ko naman kakilala. Sige na nga! Accept lang ng accpet! Pero dahil sa message nyang pinadala, nakilala ko sya. "Hi Ms. Castrillo. Thank you sa pag-accept. Di mo siguro ako naaalala pero nagkakasabay tayo dati sa tren. Nakita kita sa friend list ng bestfriend ko kaya inadd kita. :)" OWMERGERD! Si Mr. Chinito! Sya nga! Dali dali akong nag-reply, "Oo! Oo! Naaalala kita! Yung naka-green pants! Yung chinito! Yung laging naka-bonet!" Pero mukhang sumablay yata ako sa huli kong sinabi dahil sa nireply nya, "Beanie po 'yon. Hindi bonet." Napahiya man ako, okay lang! :D
Simula noon, nag-umpisa na kaming magka-chat. Mga casual na bagay lang pinag-uusapan namin- tulad ng estranghero na gustong malaman kung anong pagkatao mo. Pero isang araw, yung hinihintay ko noon aksidenteng dumating- ang pagmamadre. "Hello Shang! Ako si Sister Julienne. Gusto mo daw magmadre? Welcome ka sa kumbento namin after mong maka-graduate. See you Shang!" Tumatak sa isip ko yung mga salitang iyon. Sa katunayan umiyak pa nga ako. Dali dali akong nag-online. Di ko keri na angkinin ko lang 'to. Pero, SHOCKS! Wala man lang online sa mga kaibigan ko! Bukod kay JF na kakakilala ko lang...
(CHAT)
Shang: Hindi ako makapagdecide. Di ko alam gagawin ko. Hihintayin daw ako ni Sister Julienne pagka-graduate ko.
JF: Piliin mo kung ano yung makakapagpasaya sayo. Kasi kahit tanungin mo yung ibang tao kung anong gagawin mo, desisyon mo padin ang masusunod. Pero alam mo, sayang ka.
Shang: Anong sayang?
JF: Wala. :)
Mas naging madasalin ako pagtapos noong pag-uusap namin ni Sister Julienne, "Lord, kung para po ako sa pagmamadre, yun po sana ang mangyari. Pero kung hindi po, ipakilala nyo po sakin yung lalakeng magpapatunay na hindi ako para doon. Amen."
Lumipas ang napakadaming araw at mas madalas kaming nagkaka-chat ni JF. Liligawan kaya ako nito? Hindi siguro. E mas interesado pa 'to sa DOTA e. Kinuwento nya sa akin kung paano sya napadpad sa PNR noong unang araw na nagkasabay kami. Nakipagpustahan daw siya sa DOTA non at dahil minalas, natalo. At ang kamalas-malasan pa, walang natira sa kanyang pera pauwi kaya nanghiram sya sa kapatid nya ng pera at binigyan sya ng 23 pesos. Mag-PNR daw sya. Bwisit na bwisit daw sya non kasi ayaw nya sa siksikan at mainit e. Habang nasa byahe daw nakarinig sya ng dalawang babae na ang lakas magkwentuhan (Ehem! That's us!) at sa mismong oras daw na iyon na lumingon sya sa akin, nagandahan sya sa akin dahil daw sa kasimplehan ko suot ang favorite kong chocolate brown skirt na uniporme namin (Oh well! Ano pa nga ba! HAHA! :D). Doon nya inumpisahang magpaulit-ulit sumakay ng tren at nagbaka sakaling makasabay ako. Hindi ko inasahan ang sumunod...
June 10, 2011 noon. Sinabi nyang liligawan nya ako. Kahit daw wala syang pag-asa, atleast daw sinubukan nya. Di ko ma-explain kung anong klaseng kilig ang naramdaman ko non. Parang eksena sa telenobela na bumabagal yung oras at delayed yung paggalaw ng mga tao sa TV. Is it really happening?? Nakakasabay ko lang sa tren tapos ngayon nanliligaw na sa akin! Pagtapos nyang sabihin yon, sinagot ko sya ng matamis na, "Okay! 2 years. :)" Pero parang nabigla yata sya sa sinabi ko. Matagal ba ang 2 years? :))
November 27, 2011. Nasa rooftop kami ng bahay nila. Sinabi nya sa akin na wag na daw ako magmadre. Tinanong ko sya kung bakit. Simula daw ng nakilala nya ako natuto na daw syang magdasal at pumunta sa simbahan.Mas minahal nya na daw ang pag-aaral at may plano na sya sa buhay. Habang pinapakinggan ko 'yon, parang gusto kong umiyak pero mas pinili kong sabihin sa kanya na "Alam mo, pinagdasal ko noon na kung para ako sa pagmamadre, yon sana ang mangyari. Pero kung hindi, ipakilala Nya sana sa akin yung lalakeng magpapatunay na hindi ako para don. Tapos pinadala ka nya. Di pa ba obvious kung anong desisyon ko? :)" Madrama mang pakinggan ang susunod na linya pero umiyak kami parehas. Umiyak kami dahil sa saya. Pwede mong tanungin ang ibang tao kung anong gagawin mo o magiging desisyon mo. Pero sa bandang huli, ikaw padin ang pipili...
July 14, 2012. Madami nadin kaming napagdaanan. Tatlong beses ko na yata syang binusted pero nanatili padin sya. Ganon nya ako kamahal. At syempre, binigyan ko padin sya ng tsansa dahil mahal ko din sya. Nililigawan nya padin ako ngayon. Update ko kayo pag naging kami na! ♥
No comments:
Post a Comment