May mga simpleng bagay na maaalala mo at mamimiss mo nalang bigla. Yung ibang tao sasabihin sayo "Sus! Yun lang pala namiss mo!" Pero teka, kung yung simpleng bagay namimiss mo na, edi pano pa kung yung mga espesyal na sayo ang maalala mo?
Hatinggabi na pero gising padin ako. Magdamag akong nakababad sa harap ng kompyuter pagkagaling ko sa school (kumukuha kasi ako ng Teaching Units sa Pamantasan Lungsod ng Muntinlupa) ng mapadpad ako sa isang website na may naka-feature na burger. "Wow ang sarap naman nito." Kaya lang ang mahal naman. Habang binabaybay ko sa isipan ko yung mga salitang yon, napalunok ako at may naalalang pamilyar na pagkain na hinahanap-hanap talaga ng panlasa ko. Kumbaga, nakalipas na ang ilang buwan, alam na alam ko padin yung lasa non.
Grumadweyt ako sa unibersidad na masasabi kong lubos na naghubog sa isipan at pagkatao ko- ang PUP. Oo, kanlungan nga ito ng mga aktibista na laban sa gawain ng gobyerno na pananaw nila'y 'di makatao. Naiintindihan ko naman yung pinaglalaban nila. Pero 'di non matutumbasan ang ipinaglalaban at isinisigaw ng kaloob-looban ko; BURGER! BEEF SUBMARINE! Oo! Tama nga kayo ng nabasa! Sa apat na taon ng inilagi ko sa PUP, dalawa sila sa kumumpleto at nagpasarap nito. Tawag samin ng taga-ibang kolehiyo mga inggliserang naka-brown na palda. AB English kasi ang course namin at kulay tsokolate ang uniporme namin. Oo, maarte magsalita tulak ng pangangailangan at para maappply ang mga natututunan, pero sa oras na mapadpad ka sa North Wing canteen at maaninag ang stall kung saan nakalagak ang kumukulo-kulo pang beef submarine sa kawali ni Ate Suki at yung stall ng burger na may mahinhin na tindero, mag-i-English ka pa ba? Syempre hindi na! Di bale ng mawalan ng poise dahil sa dami ng estudyanteng nakikipag-gitgitan o humulas ang pulbo na kakalagay mo lang bago lumabas ng room dahil sa init. I JUST WANT MY BEEF SUBMARINE AND BURGER! Parang eksena sa tele-nobela na slow motion pa ang effect habang iniaabot sayo ni Ate Suki ang Beef Submarine mo at magmamarka ang ngiting di matutumbasan ng kahit sino pang lalake yan sa ABE 3-1D nung kapanahunan namin (HAHA! :)) Sobrang clue na yan ha.) kapag dumampi na sa kamay mo ang binili mo. "Oh Shang. Nakakatuwa naman bago yang binili mong ulam. Beef Submarine... Di ka ba nauumay apat na taon ganyan lagi inuulam mo?" Linya lagi ng mga kaklase ko. E ano bang magagawa ko kung loyal dyan sa pagkain na yan ang panlasa ko? Kung meron nga lang Loyalty Award sa stall ni Ate Suki na yon, "Naku! Thank you so much po sa award na 'to! I didn't expect this! I wanna cry!" Ehem! Alam nyo na siguro kung sino ang maaawardan. Ha? Ano yon? Nasa'n na yung burger? Ay syempre 'di ko malilimutan yon. Wala pa naman tayo sa oras ng uwian e! :) Pero dahil atat kayo eto na. Tuwing nagdidismiss na si Ma'am at magreretouch, bye-bye at beso sa mga kaklase, at bago humabol sa tren para makauwi, 'di ko malilimutang dumaan ulit sa North Wing para bumili ng burger. The best burger na natikman ko ever! Para akong magkakapakpak pag natitikman ko yung burger sa North Wing! (OA lang.) Kahit walang imik si Kuya at para syang si Puss in Boots na may nakaka-awang mata, binabalik-balikan ko padin yung burger nya. May hinalo ata syang potion don e. (Baliw lang.) May dalawang slice ng fresh tomato, dalawang slice ng cucumber, crunchy at fresh na lettuce, bagong bago na mga buns, lutong luto na beef patty, mayo, catsup, at free tissue. Napapasabay ako sa indak ng tugtog sa earphones ko na parang ang saya saya ko kahit ang pinapakinggan ko ay Back to December ni Taylor Swift.
Haay. Kaya lang ngayon, reminisce nalang nagagawa ko. Graduate na kasi ako e. Sana pala nagdrop ako ng isang subject noon para pumapasok padin ako ngayon. CHAROT! HAHA! :))
Pero gaya nga ng sabi ko, yung burger at beef submarine, dalawa lang sila sa kumumpleto ng buhay ko sa PUP. Gusto nyong malaman kung ano yung iba? Yung 4th floor West Wing na tinatyaga kong akyatin kahit magka-muscle ang binti ko dahil nandoon ang mga taong 'to: mga Professors namin na sobrang giliw magturo kahit ang dami nilang turo. Nakaka-inspire sila na kahit pang-5th na kaming klase na tuturuan nila, nakangiti padin sila at mataas padin ang energy; Yung mga classmates ko (ABE 4-2D) na kahit maloloko, may mga sariling paninindigan at magagaling sa buhay; Yung GGFG na hindi lang mga ka-banda kundi mga forever friends ko. Sila yung nagtupad sa pangarap kong makapagperform sa stage dahil sa hilig namin sa music. Hehe; Yung ABE 4-3D na kapatid ng section namin. Mga kalog at sobrang babait; Si Ate na nagbebenta ng chichirya at the best na tikoy at nagru-room to room; Yung apat na sulok ng silid namin na akala ko nung una silid lang sya. Hindi pala. Naging tahanan ko 'to ng apat na taon kasama yung mga kapatid ko at ang napaka-dami naming mga magulang. Lahat sila namimiss ko. Hindi lang yung beef submarine at yung burger...
No comments:
Post a Comment